Lucky 9 Game – Play Online

Ang Lucky 9 ay isang klasik na laro sa bansang Pilipinas. Ngunit, marami pa ring mga manlalaro ang hindi alam ang Lucky 9 rules. May players din na naghahanap ng pwede nilang ipamalit sa mga larong matagal nang paulit-ulit na ginagawa at nakasawaan na. Nais din nilang malaman kung ang larong ito ba ay namimigay ng totoong pera bilang papremyo. 

Ginawa ng Tongits Casino ang artikulong ito upang himayin ang mga impormasyon na nais malaman ng mga manlalaro. Layunin ng Tongits Casino na masagot ang mga katanungan ng bawat manlalaro nang sa ganun ay masiyahan sila sa libangang ito.

Pinagmulan ng Lucky 9

Ang Lucky 9 ay may pagkakatulad sa Baccarat. Ang layunin ng Lucky 9 game online ay makapuntos ng mas mataas sa banker o makabuo ng total score na 9 mula sa mga hawak na baraha. Ang aces ay nagkakahalaga ng isa at ang mga face card (lahat ng jacks, queens, at kings), kasama na ang sampu, ay nagkakahalaga ng zero. Ang halaga ng iba pang cards ay katumbas ng kani-kanilang face value.

lucky 9 game online
Ang layunin ng Lucky 9 game online ay makapuntos ng mas mataas sa banker

Isang dealer ang nangangasiwa ng game table. Siya ang kumukuha ng taya at nagbabayad ng mga ito kapag may nanalo. Siya din ang tagapamahagi ng kabuuang mga komisyon na dapat bayaran.

Karaniwan, anim o walong deck ng mga baraha ang ginagamit sa laro, at ang dealer lang ang gumagawa ng pagbabalasa.

Playing Deck

  1. Maaaring gumamit ng 1-8 deck of cards sa laro.
  2. Ang dealer ay bibigyan ng isang nakabukas na card at isang nakataob. Ang ibang manlalaro ay bibigyan ng dalawang nakabuklat na cards (tulad ng blackjack).
  3. Ang layunin ng laro ay makakuha ng kabuuang bilang ng value mula sa mga baraha na pinakamalapit sa 9 (tulad ng sa Baccarat).
  4. Ang player ay maaaring magdesisyon na hatiin sa dalawa ang pares na makukuha niya. Maaari ring mag-stand o panindigan nito ang barahang hawak kung ang total score ay nasa 5 pataas. O kaya ay mag-hit o humirit ng isa pang card mula sa dealer kung sakaling ang hawak na cards ay mababa ang puntos (0-4).
  5. Sa isang split, isang card lang ang matatanggap sa una tapos dalawa na para kalkulahin ang iyong total score.
  6. Panalo ang dealer kung ang kanyang mabubuksang dalawang card ay 0 hanggang 4.
  7. Ang isang manlalaro ay binabayaran ng 3x o 2x kapag may winning cards. Triple ang karaniwang bayad kapag nabuo ang panalo mula sa unang dalawang card at walang baraha na may halagang 10.
lucky 9 online
Ang Lucky 9 online, tulad ng Baccarat, ay nilalaro sa isang oval table

Cards

  1. Sa pagtanggap ng dalawang cards, dapat matukoy agad ng bawat manlalaro kung maghi-hit, stand, o hahatiin ang card na may parehong value sa dalawa (split). Ang dealer ay bubunot ng ikatlong card kung ang kabuuang bilang ng dalawang naunang cards ay nasa 4 o mas mababa. Maaari ring tumanggap ng dalawang card, isang nakaharap at isang nakataob, kung ang kabuuang bilang ng mga baraha ay 5 o higit pa.
  2. Kung walang anumang card na sampu ang halaga, ang unang dalawang card ay dapat maging 9 na puntos kapag pinagsama, upang makabuo ng kumbinasyon na maaaring manalo ng 3x o 2x.
  3. Kapag ang dalawang card na may kabuuang siyam na puntos ay pinagsama ngunit nataong may isang card na sampu ang halaga, o anumang dalawang card na may kabuuang siyam bilang resulta ng isang split, maaaring mabayaran ng balik-taya.

Card Distribution

Gamit ang 1-8 na mga numero mula sa regular na 52-card deck, ang larong tampok ay isang house-banked game tulad ng Blackjack. Ang scoring sa laro ay tulad ng sa Baccarat. Upang manalo, kailangan mong magkaroon ng hands na may mas malaking halaga na pinakamalapit sa 9. Ang halaga ng isang hands ay batay sa huling digit ng kabuuang bilang ng mga baraha (face value).

Related Posts:

Pusoy Dos Card Game – Play Online Free

Pusoy Go Card Game – Play Online

Tongits Online Card Game – Play for Free

Card Ranking

Ang gamit sa larong ito ay hindi bababa sa isang deck ng playing cards na binubuo ng apat na suit at limampu’t dalawang card sa kabuuan. May labintatlong card sa bawat suit na may halaga mula isa (ace) hanggang sampu (jack, queen, at king). Ang deck ay binabalasa sa simula ng bawat round.

Gabay kung Paano Maglaro Online

Ang paglalaro ng Lucky 9 online ay hahasa ng iyong kakayahan sa pagmamasid at pagdedesisyon nang mabilis. Kapag handa ka nang magsimulang maglaro para sa Lucky 9 real money, maaari kang maglaro sa isang lehitimong online casino tulad ng Euro Palace o All Slots Casino. Ngunit ipinapayong subukan muna ang maglaro ng libre bago sumabak sa totoong casino.

Mada-download ang laro sa pamamagitan ng pagsi-search gamit ang keywords na ito: Lucky 9 apk, Lucky 9 free download, at Lucky 9 download. 

Ang laro ay mayroong 4 na cards sa diamond round.

lucky 9 rules
Ngunit, marami pa ring mga manlalaro ang hindi alam ang Lucky 9 rules

Mga Panuntunan sa Laro

  1. Para sa bawat manlalaro, hanggang tatlong baraha ang maaaring ibigay ng dealer.
  2. Ang “Stand-off” ay nangyayari kapag ang hand ng manlalaro at hawak na mga baraha ng dealer ay pantay o pareho ng kabuuang bilang (face value).
  3. Ang aces ay nagkakahalaga ng isa, lahat ng 10s, jacks, queens, at kings ay nagkakahalaga ng zero, at lahat ng iba pang cards ay nagkakahalaga ng kani-kanilang mga face value.
  4. Ang halaga ng isang hand ay mababago sa pamamagitan ng pagbabawas ng 10 mula sa kabuuan, kung ang total ay higit sa siyam.
  5. Tandaan na ang mga manlalaro lamang na may edad 18 pataas ang maaaring makapaglaro ng anumang casino apps. Ito ay dahil sa ang mga laro dito ay nabibilang sa gambling category na sadyang hindi angkop para sa mga bata at sa mga hindi pa sapat na nakakaunawa sa maaaring kahihinatnan ng pagtaya at pagsusugal.

Ano ang Mechanics ng Laro?

Talunin ang dealer sa pamamagitan ng mga baraha o hands na pinakamalapit sa siyam (9). Iyan ang layunin ng laro.

Nagdudulot ba talaga ito ng pera? Mayroon bang anumang paraan upang manalo ng pera o mga premyo mula sa apps o mga online games? Oo, naman! Tulad ng ibang mga laro, ang Lucky 9 ay kasalukuyang pa ring tinatangkilik ng maraming tao. Maaari kang mangalap ng chips o puntos na maaaring ipagpalit sa pera. Buksan lang ang app araw-araw, i-like at ibahagi ang content ng laro sa social media, at manood ng mga commercial habang naglalaro ka para makakuha ng mga reward. Ang mga ito ay ilan lamang sa mga opsyon na magagamit mo.

Ngunit tandaan na maraming paraan para manalo sa bawat app at online game.

Posible bang Maglaro Offline?

Sa pamamagitan ng pag-download ng isang casino app sa iyong mobile device, maaari kang maglaro ng baraha gamit ang sarili mong account. Maaaring laruin ang Lucky 9 offline anumang oras o saan mang lugar. Magsaya kasama ng mga aktwal na tao at samantalahin ang mga maswerteng break. May mga bagong insentibo araw-araw!

https://play.google.com/store/apps/details?id=tongits.casi.online
Download Togits Casino Online Apk

Lucky 9: Maglaro ng Madalas para Maranasan ang Pag-cash out

Maaaring maghanap sa internet ng card game app na ginagamitan ng totoong pera para makapag cash-out ang manlalaro. Sundan lamang ng maayos ang mga panuto na makikita sa website at siguraduhing legit ito para maiwasan ang anumang problema.

May mga Lucky 9 games na namimigay ng Lucky 9 free gift code o Lucky 9 gift code.

Ilang Tips sa Paglalaro

Ang panalo sa larong ito ay nakasalalay sa purong swerte dahil kahit sino ay maaaring makakuha ng 9 mula sa iba’t ibang kumbinasyon. Gayunpaman, mayroong isang paraan upang kahit papaano ay mapataas ang posibilidad ng iyong pagkapanalo sa larong ito.

Kapag mayroon kang dalawang cards na may halagang 0–5, dapat talagang humingi ka ng isa pang card para sa pag-asang magkakaroon ito ng mas mataas na halaga. Mag-isip ng mabuti kung hihirit ka pa ng isang card kung ang halaga ng kasalukuyang hand ay umabot na sa 6. Dapat kang magpasya kung angkop na sumugal sa sandaling ito.

Malaki ang tsansa mong manalo sa kasalukuyang round kung ang pinagsamang halaga ng iyong dalawang baraha ay 7-8. Maliit ang posibilidad na makakuha ng siyam, kaya huwag nang humingi ng isa pang card. Sa pagkakataong ito, dapat makuntento sa iyong mga card kung hindi ay maaaring mong ikatalo ang sana ay isa ng magandang round.

Top Lucky 9 Game App para Makapag-cash Out

Maraming mga game center o app ang pwede mong paglaruan ngayon. Kabilang na dito ang Big Win Club App, Mega Win Club App at marami pang iba. 

Hindi mo kailangang mag-alala tungkol sa pagiging lehitimo ng mga game center na ito dahil mayroon itong mahigit sa isang milyong mga manlalaro na magpapatunay na wala kang dapat alalahanin sa paglalaro sa mga kilalang platforms. Ang pag-cash out sa apps na ito ay mabilis din kung ihahambing sa iba pang online casino apps.

Lucky 9: Paano Mag-Cash out?

Ang iyong mga panalo sa laro ay magiging available sa loob ng limang segundo gamit ang isang Gcash account. Ganito kadali ang pag-cash out sa mga apps o game centers. Hindi ka mahihirapan sa paglalaro at pagkuha ng iyong napanalunan. Kaya huwag mag-atubiling palitan ang game na iyong karaniwang nilalaro at subukan mo na ang Lucky 9 casino games!

Mega Kaugnay na Post

Related