Pusoy Games – Play Pusoy Online

Makipaglaro ng Pusoy sa iyong mga kapamilya’t kaibigan! Alamin ang kapaki-pakinabang na tips upang manalo dito! 

Hindi maitatanggi na isa ang Pusoy sa top card games sa bansa. Sino nga ba naman ang hindi nasisiyahan sa tuwing matatalo mo ang mga katunggali? Kakaiba rin ang pagkilatis na kakailanganin sa pagbuo ng decks na sa tingin mo ay ang winning combination. Dahil sa dami ng terms na kailangang kabisaduhin, ang ilan ay nao-overwhelm na nagiging hadlang sa kanilang pagkatuto ng Pusoy. 

Ngunit huwag kang mag-alala! Dahil narito ang Tongits Casino para himayin ang rules ng Pusoy at tips kung paano manalo. Hindi lamang iyan, magbibigay rin kami ng halimbawa ng apps na kung saan pwedeng maglaro ng Pusoy online. Mahahasa mo na nga ang iyong kakayahan sa Pusoy, may tsansa ka pang kumita ng aktwal na pera! Kaya siguraduhing basahin hanggang dulo ng artikulong ito. 

pusoy online
Marami na ang nakakaranas ng pag-cash out sa Pusoy online

Ang Pinagmulan ng Pusoy

Ang Pusoy o mas kilala rin bilang Filipino poker ay isang tanyag na “shredding card game.” Orihinal itong naimbento sa bansang Tsina. Naging tanyag ang larong ito hanggang sa lumaganap sa kahabaan ng Silangang Asya at Timog-Silangang Asya. Bukod sa Pilipinas, nagkaroon din ng baryasyon ang larong ito sa Taiwan, Indonesia, Hongkong, Macau, at Vietnam. Base sa accounts na naitala sa ating kasaysayan, nagmula ang laro sa bayan ng Calauag, probinsya ng Quezon. Ito ay karaniwang nilalaro ng dalawa hanggang apat na manlalaro. Ang layunin ng Pusoy ay paunahan kung sino ang unang makaubos ng hawak na baraha. 

Pusoy Playing Deck

Ang decks o bahay ang siyang isa sa pinaka-basic na kailangan mong matutunan sa paglalaro ng Pusoy. Nahahati ito sa tatlong parte. Ito ang front, middle, at back. Iisa-isahin natin kung anu-ano nga ba ang mga ito. Ang pinakaimportanteng bahagi ng iyong playing deck ay ang back. Dito inilalagay ang pinakamalakas na kumbinasyon ng baraha. Ito ang magsisilbing pundasyon at isa sa tutukoy kung may tsansa ka bang manalo o wala. Sumunod naman ang middle. Base sa pangalan nito, ito ang panggitnang bahagi ng iyong formation. Inilalagay rito ang susunod na malakas na kumbinasyon ng iyong baraha. Ang back at middle deck ay parehong binubuo ng limang baraha. Kung nagkataon ay nagkamali ka at mas mataas ang value ng middle kaysa sa back, ang tawag dito ay crack. Siguraduhing hindi ito mangyayari sa iyong paglalaro. Dahil kapag nagkataon, mas malaki ang danyos nito sa iyo. 

At ang panghuling bahagi ng iyong playing deck ay ang front o ang “ulo”. Kumpara sa back at middle, ang front ay binubuo lamang ng tatlong baraha. Bagama’t dito inilalagay ang pinakamahinang kumbinasyon, huwag pa rin itong maliitin dahil marami pa rin ang natatalo kapag pinasawalang-bahala ang value ng kanilang front. 

Related Posts:

Tongits Offline Card Game – Play For Free

Tongits Online Card Game – Play for Free

Tongits Plus Card Game – Play for Free

Cards

Ang Pusoy ay gumagamit ng standard deck. Ito ay may apat na suit: clubs, diamonds, hearts, at spades. Bawat suit ay may tig-13 baraha. Ito ay ang ace, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10, jack, queen, at king. Sa kabuuan, ito ay binubuo ng 52 na baraha. 

Ang Pamamahagi ng Cards

Ang dealer o bangkero ang siyang nagpapamigay ng mga baraha sa kanyang mga kalaro. Paisa-isa ang bigay nito. Maaaring clockwise o counter-clockwise ang paraan ng kanyang pamimigay hanggang sa ang bawat manlalaro ay makatanggap ng 13 na baraha bawat isa. Bago pa man ito gawin, binabalasa ng dealer ang mga baraha upang tiyaking random ito at walang bias. 

Card Ranking

Bukod sa playing decks, ang isa pang mahalagang aspeto na kailangang alamin sa Pusoy games ay ang ranking ng baraha. Mula sa pinakamababang value hanggang sa pinakamataas: clubs [♣], spades [♠], hearts [♥], at diamonds [♦]. Dagdag pa rito, A ang pinakamataas na value ng card at 2 naman ang pinakamababa. Mula rito, mahihinuhang A♦ ang pinakamataas na value ng baraha. Samantalang 2♣ naman ang pinakamababa. Subalit may baryasyon kung Pusoy Dos ang ating pinag-uusapan. Dahil sa Pusoy Dos, 2 ang pinakamataas na value sa halip na ace. 

Panimula Kung Paano Laruin ang Pusoy Online

Dahil sa kasikatang tinatamo ng Pusoy, hindi na rin kataka-taka kung maging sa online ay umusbong din ito. Naglipana ang iba’t ibang online paying game apps na talaga nga namang kagigiliwan ng lahat. Ang kagandahan pa rito ay kahit nasa bahay ka lang, maaari ka nang makapaglaro ng Pusoy. Hindi mo na rin kailangan dumayo para lang ma-enjoy ang larong ito kasama ng iyong mga kaibigan. Ang kailangan mo lang ay ang iyong mobile phone at internet connection, pwedeng-pwede ka nang makapaglaro! 

Mga Patakaran sa Pusoy Online Game

Walang masyadong kaibahan ang paglalaro ng Pusoy online kumpara sa nakagawiang Pusoy. Umiikot pa rin ang takbo ng Pusoy online games sa kung sino ang unang makakaubos ng baraha. Ginagamitan din ng iba’t ibang kumbinasyon ang paglapag ng baraha. Pwede ring mag-skip kung sa tingin mo ay hindi pa kayang tapatan ang naunang naibaba ng iyong kalaban. Ang kaibahan lang ay may iba’t ibang tables na maaari kang salihan. Nakadepende ang mga ito sa halaga na nais mong itaya. May konsepto rin ng golds na kung saan ito ang gagamitin mo bilang currency ng pantaya. Halimbawa, sa isang table ay nagkakahalaga ng 20,000 golds kada bet. Kapag mas malaking golds ang iyong itinaya, mas malaki rin ang maaari mong mapanalunan. 

pusoy offline
Oo, posible ang paglalaro ng Pusoy offline

Paano Laruin ang Pusoy?

Ang mga baraha ay maaaring i-grupo ng iba’t ibang mga kumbinasyon. Narito ang listahan ng mga baryasyon na pwede mong gawin: 

  • Single Card: Binubuo itong ng anumang baraha sa deck. Nagkakatalo lamang ito sa ranking ng suit at value ng baraha. Halimbawa, talo ng 6♥ ang 6♣.
  • Pair: Ito ay pares ng dalawang barahang may katulad na numero. Halimbawa, 5♣-5♠. 
  • Three-of-a-kind: Kung sa pair ay dalawang magkatulad na baraha, ang three-of-a-kind naman ay tatlong magkakatulad na baraha. Halimbawa, 3♠-3♣-3♥.
  • Straight: Kumbinasyon ito ng limbang barahang may magkakasunod na value. Hindi nito alintana kung magkakabilang ba ito sa iisang suit o hindi. Halimbawa, 4♥-5♠-6-7-8♥.
  • Flush: Kabaliktaran naman ito ng Straight. Ang Flush ay kumbinasyon ng limang barahang kabilang sa iisang suit. Hindi rin mahalaga dito kung magkakasunod ba ang kanilang value o hindi. Halimbawa, 3♦-5♦-6♦-J♦-K♦.
  • Full House: Ito ay binubuo ng isang three-of-a-kind at isang pair. Nakadepende ang rank nito sa value ng three-of-a-kind, maging ano pa man ang value ng pair. Halimbawa, 7♣-7♠-7♠-3♣-3♥.
  • Four-of-a-kind: Kung mayroong pair at three-of-a-kind, mayroon ding kumbinasyon ng apat na suit na may magkakaparehong value. Halimbawa, J♥-J♣-J♠-J♦. 
  • Straight Flush: Base sa pangalan, ito ay kumbinasyon ng straight at flush. Sa madaling salita, ito ay limang magkakasunod na barahang kabilang sa iisang suit. Halimbawa, Q♦-J♦-10♦-9♦-8♦. 

Nagkakatalo ang mga ito depende sa kumbinasyong nabuo at kanilang rank. Narito ang pagkakasunod-sunod ng mga kumbinasyon base sa kanilang halaga: 

Straight Flush > Quads > Full House > Flush > Straight > Three-of-a-kind

Kung susumahin, kung mayroon kang Straight Flush bilang iyong kumbinasyon ay malaki ang iyong tsansang manalo. Nagkakatalo na lang talaga sa suit na kinabibilangan at value ng bawat cards. Ito na rin ang rason kung bakit nga ba patok na patok ang Pusoy Dos sa mga manlalaro. Kumplikado man ito kung iisipin, ngunit gagamitan talaga ito ng ibayong pag-iisip at pagbuo ng estratehiya para magawagi. Maraming factors ang kailangang ikonsidera. Ganunpaman, iba naman ang balik oras na magamay mo ang pasikot-sikot sa Pusoy. 

Maaari bang Laruin ang Pusoy ng Offline?

Sa kabila ng maraming lokasyon na ang nag-aalok ng libreng internet connection, hindi pa rin ito masasabi sa lahat ng pagkakataon. May mga lugar pa rin na bagama’t may internet connection, maaaring mabagal ito. Isang magandang halimbawa ay tuwing pasakay ka ng eroplano. Mainam kung ang mga paborito mong games ay pwedeng laruin offline. Lalo na kung matagal ang flight at naghahanap ka ng mapagkakaabalahan. 

Oo, posible ang paglalaro ng Pusoy offline. Siguraduhing magdala ng power bank dahil tiyak ay mae-excite ka sa bawat laro mo sa Pusoy. Nang hindi rin magambala ang iyong paglalaro, magdala ng extra battery pack. 

Maglaro ng Pusoy Online Para Makapag-Cashout

Marami na ang nakakaranas ng pag-cash out sa Pusoy online. Ang kagandahan pa rito, kahit hindi ka maglabas ng puhunan ay may tsansa ka pa ring makuha ang iyong napanalunan. Basta’t mag-login at maglaro lamang araw-araw ay tiyak na lalago nang lalago ang iyong rewards. Ngunit tandaan, ang Pusoy games ay mainam kung sideline lamang at huwag gawing main source of income. Maganda lamang ito bilang libangan at pandagdag sa iyong posibleng kikitain. 

pusoy dos
Dahil sa Pusoy Dos, 2 ang pinakamataas na value sa halip na ace

Ilang Tips sa Paglalaro ng Pusoy

Narito ang ilang tips na mula sa Tongits Casino upang tulungan ka kung paano manalo sa Pusoy! 

  • Alamin ang Pusoy rules – Kagaya ng ibang laro, mahalagang maging maalam ka sa rules nito. Ang Pusoy ay maraming terminologies na ginagamit. Hindi nangangahulugang kailangang alamin mo ang bawat detalyeng mayroon sa Pusoy. Maganda lang na maging pundasyon ang iyong kaalaman para mas lalong maging epektibo ang pagbubuo ng estratehiya. 
  • Pagmasdan ang galaw ng kalaban – Aralin ang kanilang galaw at pamamaraan kung paano nila binuo ang kanilang deck. Lalo na iyong mga madadalas manalo, tingnang maigi kung paano nila ito ginagawa. 
  • Maging maingat sa crack – Nangyayari ang crack kapag mas mataas ang value ng iyong middle sa back. Madalas itong pagkakamali lalo na ng mga newbie. Maging mapagmasid nang hindi ito makaligtaan dahil mas malaki ang magiging danyos sa iyo kapag nangyari ito. 
  • Maglaro nang maglaro – Magsanay lang nang magsanay upang gumaling sa paglalaro ng Pusoy. Mas magkakaroon ka ng lakas ng loob na sumabak sa mas malalaking betting tables. 
  • Mag-enjoy! – Ang layunin naman talaga ng mga larong gaya ng Pusoy ay magdulot ng kasiyahan sa manlalaro. Sa kabila ng pagiging teknikal nito, mas mainam pa rin kung chill lang at enjoy-in ang bawat round. Mas magiging lapitin ng swerte kapag positive vibes lang ang pinaiiral. 

https://play.google.com/store/apps/details?id=tongits.casi.online
Download Togits Casino Online Apk

Nangungunang Pusoy App game para sa Cashout

Kaya ano pa ang hinihintay mo? Ituloy lang ang pagbabasa dahil narito na ang ang top Pusoy apps na pwedeng-pwede kang mag-cash out. Marami na ang nakapag-redeem ng kanilang premyo kaya masasabing legit at talaga nga namang paying ang mga ito. 

  • Pusoy Go 

Syempre kapag usaping Pusoy, hinding-hindi mawawala riyan ang Pusoy Go. Laging mainit ang pangalan ng Pusoy Go dahil maraming players na ang nakapag-redeem ng kanilang prizes. Sa katunayan, ang iba pa nga ay nakatanggap ng mobile phone at home appliances. Ang lahat ng ito ay dahil sa paglalaro lang ng Pusoy Go. 

  • Pusoy Zingplay 

Hindi maikakaila ang kasikatan ng Pusoy Zingplay dahil mayroon itong humigit kumulang isang milyong downloads. Isa pang katangi-tangi ring feature ng app na ito ay ang makulay nitong disenyo. Punung-puno ito ng mga karakter na tiyak na kagigiliwan ng nakararami. 

Paano Mag-cashout?

Simple lang ang pag-cashout sa mga money-making game na ito. Kailangan mo lang ng mobile number at Gcash account. Mayroong iba’t ibang paraan na pwede mong ma-redeem ang iyong papremyo. Ang ilan sa mga ito ay sa pamamagitan ng load, Sodexo cards, o kaya naman ay tangible items. Nakapaloob sa tangible items ang Apple phones, mobile devices, at home appliances. Basta’t naabot mo lang ang minimum requirement ng laro para makapag-cash out. Kaya ano pa hinihintay mo? Mag-download ka na ng Pusoy online!

Mega Kaugnay na Post

Related