Pusoy Go Download – How to Download and Install the game

Nais mo bang malaman kung paano ang iba’t ibang pamamaraan sa Pusoy Go download? Hindi maikakailang isa ang Pusoy sa pinakasikat na card game sa bansa. Kaya’t ginawa ng Spirejoy ang kasiya-siyang Pusoy Go app para sa comfort ng ating mga mobile phone ang paglalaro! Maging saanman lupalop ka naroroon ay pwede mo ng makatunggali ang iba’t ibang manlalaro mula sa iba pang parte ng daigdig. Kaya ano pa ang hinihintay mo? Basahing maigi kung paano gawin ito mula sa artikulong ito ng Tongits Casino. Sundin lang ang mga sumusunod na hakbang kung paano i-download ang Pusoy Go game sa iyong mobile phone. 

Paano Makukuha ang Pusoy Go Download sa iyong Mobile Phone?

  1. Para sa mga Android user, pumunta sa Google Play Store.
  2. I-type ang Pusoy Go sa search bar. 
  3. Pindutin ang icon ng app at i-tap ang Install button. 
  4. Hintaying ma-download ang laro nang ilang segundo. 
  5. Ino-notify ka ng iyong mobile phone oras na matapos na ang iyong pagda-download. Pindutin lang ang Open button at ayan pwede ka nang maglaro ng Pusoy! 
pusoy go apk
Dito maaaring makuha ang Pusoy Go APK

Simple at hindi hassle ang pagda-downlod ng Pusoy Go app. Madali lang din gawin ang Pusoy Go download na proseso dahil isa ang app sa may pinakamaraming downloads na umaabot ng humigit kumulang limang milyon. Mataas din ang rating ng Pusoy Go na may 4.5 out of 5 stars kaya tiyak na lalabas ito sa unang bahagi ng iyong search items. 

Mga Tagubilin kung Paano I-download ang Pusoy Go game sa PC

Kung nais mo namang ma-enjoy ang paglalaro ng Pusoy Go, pwedeng-pwede rin ang Pusoy Go download sa iyong PC. Paniguradong mas magiging kapanapanabik ang bawat labanan dahil mas malaki ang screen na gagamitin. Mas maa-appreciate mo rin kung gaano kakulay at katingkad ang graphics na ginamit sa Pusoy Go. Kung sa PC mo naman napiling maglaro ng Pusoy Go, dapat mo munang i-download ang Bluestacks emulator mula sa kanilang official website. Ang Bluestacks ay isang uri ng emulator kung saan ginagaya ng PC ang interface ng isang Android mobile phone. Dito maaaring makuha ang Pusoy Go APK. Matapos ma-download, kumpletuhin ang access na kailangan. Mag-sign in gamit ang iyong account sa Google Play.

Ang mga sumusunod na hakbang ang kailangang sundin para sa Pusoy Go for PC. 

  1. I-download at i-install ang Bluestacks sa iyong PC. 
  2. Sunod na hanapin ang Pusoy Go sa search bar ng Bluestacks. Makikita ito sa itaas na bahagi ng kanilang website. Maaari ding i-click ang link ng Pusoy Go dito
  3. Pindutin at i-install ang Pusoy Go galing sa search results. 
  4. Kumpletuhin ang Google sign-in para tuluyang ma-install ang laro. 
  5. Matapos ang pagda-download, pindutin ang icon ng Pusoy Go na makikita sa iyong home screen. Ayan, maaari mo nang simulan ang paglalaro!

Paano Gumawa ng Account sa Pusoy Go?

Matapos ang Pusoy Go download sa iyong mobile phone o PC, ang susunod na hakbang na ituturo ng Tongits Casino ay ang paggawa ng account sa Pusoy Go. Hindi kagaya ng ibang online paying games, simple lamang ito. Hindi mo na kailangan pang sumailalim sa mga serye ng mga kumplikadong proseso. Kapag nabuksan mo na ang Pusoy Go app, makikita ang dalawang option para maka-sign up. Ito ay sa pamamagitan ng iyong Facebook at Google account. 

pusoy go app
Simple at hindi hassle ang pagda-downlod ng Pusoy Go app

Para gawin ang Pusoy Go register, piliin ang Sign in with Google. Lalabas ang Google accounts na mayroon ka. I-click lamang ang account na nais mong gamitin sa Pusoy Go. Hintayin lamang mag-load. Makikita ang congratulatory message bilang indikasyon na matagumpay ang paggawa mo ng account. Bukod pa rito, makakatanggap ka pa ng welcome gift na magagamit mo bilang panimula. 

Ang isa pang pamamaraan na pwede mong gamitin ay ang pag-connect ng iyong Facebook account sa Pusoy Go. Siguraduhing Facebook app ang gamit mo at hindi Facebook Lite. Piliin ang Facebook option at lalabas ang authorization page. I-click ang continue at mara-route ka pabalik sa homepage ng laro. Ang maganda pa rito, ang Pusoy Go free download. Hindi mo kailangan maglabas ng anumang halaga para lamang makapagbukas ng account. Hindi lamang iyan, makakatanggap ka pa ng mga dagdag na rewards araw-araw sa tuwing gagawin ang Pusoy Go login. 

Related Posts:

Tongits Offline Download: How to Install

Tongits Online Game Free Download

Tongits Fun Download: Guide to Install

Mga Tagubilin sa Pag-deposit at Pag-withdraw ng Pera sa Pusoy Go 

Dahil nagawa mo na ang Pusoy Go Download at maging ang Pusoy Go register, malamang ay excited ka nang magsimula. Hindi madamot at talaga nga namang makakapagsimula ka kahit walang inilalabas na pera. Maraming rewards na ibinibigay ang Pusoy Go sa kanilang mga manlalaro. Ang kaibahan nga lang, mas tataas ang iyong tsansa na manalo ng malaking halaga kapag ikaw ay nag-deposit ng pera. Dadami ang bilang ng iyong golds na siyang gagamitin mo sa pagpasok sa mga tournament. 

Para makapag-deposit, pindutin lang ang Get Gold sa iyong homepage. Dito ay pwede kang mag-cash in via Gcash. Makikita rito ang listahan ng mga golds na maaari mong matanggap at ang katumbas nitong halaga sa peso. I-tap ang napiling halaga at mamimili ka ng GCash number na papadalhan mo ng cash in. Kung paano ka mag-send money sa Gcash ay ganun lang din ang prosesong kailangan mong gawin. Huwag lang kakaligtaang ilagay ang iyong Game ID sa message kapag ikaw ay nag-send money. Dito matutukoy ng administrators ang account kung saan ipapadala ang iyong na-cash in. Sa loob lang ng ilang segundo ay matatanggap mo na ang mail para sa iyong na top-up na gold. 

At ito na ang pinakahihintay ng lahat. Paano nga ba mag-withdraw ng pera sa Pusoy Go? Maraming manlalaro ang nahuhumaling sa Pusoy Go dahil bukod sa exciting ito, legit at paying talaga ang app. Ang GoStars ang siyang tutukoy kung magkano na ang halaga na pwede mong i-withdraw. Pwede kang mag-redeem ng load, Sodexo cards, at mga tangible item. Pindutin lang ang Contact Us at makikita ang tatlong option kung paano mo makukuha ang iyong kinita. 

Sa Prepaid Load redeem, ilagay ang iyong mobile phone number. Ito ang inirerekomenda ng Tongits Casino dahil maaari namang i-convert ang load into Gcash money. Sunod na pindutin ang iyong local mobile operator. I-scroll pababa ang app at makikita rito ang load na maaari mong i-redeem at ang katumbas nitong GoStars. Pumili lamang sa choices. Matapos maghintay ng ilang minuto ay maaari mo nang matanggap ang iyong kinita. Ayan! Napakadali at talaga nga namang masasabi mong Pusoy Go legit. 

pusoy go gift code
Kopyahin lamang ang Pusoy Go gift code at ipadala ito sa iyong mga kaibigan

Mga Karaniwang Error sa Pusoy Go App

Isa sa madalas na pagkakamali ng players matapos gawin ang Pusoy Go download ay ang hindi pagbubukas ng app araw-araw. Makakatanggap ng libreng rewards araw-araw gaya ng gold coins sa pamamagitan ng pagla-login lamang. Bukod pa rito, marahil ang isa sa pinakamalaking pagkakamali ng mga manlalaro ay ang hindi pag-maximize ng invites. Tinatayang umaabot ng 100 GoStars ang pwede mong matanggap sa bawat 10 referral. Ang kagandahan dito ay nahikayat mo na nga ang iba sa isang exciting na laro, nagkaroon ka pa ng tsansang mapalago ang iyong pwedeng kitain. O diba, it’s like hitting two birds with one stone. Binigyan mo pa ng tsansa ang iba na kumita kagaya mo.

Paano Makakakuha ang Pusoy Go Online Rewards?

Marami na ang nakapag-redeem ng kanilang rewards sa Pusoy Go. Pwedeng sa pamamagitan ng load, Sodexo cards, at tangible items. Ang ilan sa mga halimbawa ng tangible items ay smartphones at appliances. Pindutin lamang ang My GoStars at makikita mo na ang halaga ng iyong GoStars. Ito ang tutukoy kung anu-ano ang maaari mong ma-redeem. Kung wala kang nakikitang gift icon, nangangahulugan lamang na hindi pa naaabot ang minimum number of games sa isang araw. Kailangan mo lang maglaro ng 50 na sunud-sunod na laro para lumabas ito. Oras na matapos mo na ang required number of games, pwede mo nang ma-redeem ang iyong premyo. 

Download Togits Casino Online on Android
Download Togits Casino Online Apk

Pusoy Go Download: Paano Madaling Makakuha ng Pusoy Go Code?

Isa sa epektibong taktika matapos mong gawin ang Pusoy Go download ay ang pag-send ng invites sa iyong mga kaibigan at kapamilya. Pindutin lamang ang My GoStars tab at makikita mo sa ibabang banda ang iyong personal code. Kopyahin lamang ang Pusoy Go gift code at ito ang ipapadala mo sa iyong mga kaibigan para i-input nila sa kanilang mga account. Matapos nilang gawin ang Pusoy Go register, ilalagay lamang nila ito sa box na nakalaan para sa mga referral code. 

Pusoy Go Download: Paano Maglagay ng Gift Code?

Oras na makuha mo na ang gift code na iyong gagamitin, i-paste lamang ito sa box na nakalaan para sa referral codes. Ino-notify ka ng app kung successful o hindi ang iyong code. Malalaman mong tinanggap na ito ng system kapag nakuha mo na ang rewards na kalakip ng referral code. 

Konklusyon

Kaya ano pa ang hinihintay mo? Kung naghahanap ka ng kapanapanabik na online gaming app na paying at talaga nga namang legit, simulan na ang Pusoy Go download!

Mega Kaugnay na Post

Related