Maraming mga manlalaro ng Tongits ang naghahanap ng mga paraan para mawala ang kanilang pagkabagot o boredom. May mga taong gusto ang mga paraan na kung saan pwede silang mag-enjoy at makakuha ng mga papremyo tulad na lamang ng mga larong arcade o casino games. Ang mga larong ito ang siyang nagsisilbing kasiyahan at libangan ng nakararami mula noon hanggang ngayon.
Talagang masarap magtamasa ng pagkapanalo at malalaking premyo sa paglalaro lamang. Nag-eenjoy ka na, nanalo ka pa! Ngunit hindi lahat ng gustong sumubok maglaro ng mga casino games ay marunong o naiintindihan ang mga paraan sa paglalaro. Tulad na lamang ng ilang mga tao na gustong matutunan ang mga rules ng paglalaro ng game na ito. Huwag mag-alala dahil ang Tongits Casino ay makakatulong sa iyo sa paglalaro ng iyong paboritong laro sa baraha sa artikulong ito.
Noong sinaunang panahon, mga laro sa kalsada ang ginagawang libangan ng mga tao. Isa na rito ang larong nabanggit na kinagigiliwan ng marami. Sila ay gumagamit ng pisikal na baraha na may 52 decks sa paglalaro nito. Ano nga ba ang game na ito at paano ito laruin?
Ang Pinagmulan ng Tongits
Ang larong ito na kilala din sa tawag na Tung-it ay isang laro ng baraha na pang tatluhan. Ito ay sikat sa bansang Pilipinas. Ang mga patakaran ng ng laro ay pareho sa laro ng mga Chinese na Mahjong. Ang larong ito ay nagsimula noong bandang 1990s sa pinakamalaking isla ng Pilipinas, ang Luzon. Ang origin o pinagmulan nito ay hindi pa natutukoy hanggang ngayon ngunit malaki ang paniniwala ng mga tao na ito ay pinauso at pinakilala sa mga Pilipino ng mga sundalo ng bansang Amerika. Ang mga panuntunan ng laro ay in-adapt din sa larong Amerikano na Tonk. At dahil sa katagalan ng paglalaro nito, ito ay pinagtibay at in-improve ng mga Ilocanos at dito nabuo ang mga katawagang ginagamit ngayon sa laro.
Ang Playing Deck, Cards at Card Distribution
Ang larong ito ay gumagamit ng 52 standard deck ng baraha. Ang 52 barahang ito ay dini-distribute sa mga manlalaro. Ang banker o syang taga-balasa at nagbibigay ng mga baraha sa mga manlalaro ay mayroong 13 na barahang hahawakan samantalang ang kanyang mga kalaban ay mayroong 12 baraha na hawak. Ang natitirang mga baraha ay ilalagay sa gitna bilang palabunutan o stack.
Card Ranking
Ang mga manlalaro ay kailangang makabuo ng alinman sa sumusunod na melds o card ranking.
- Three of a Kind o ang pagkakapareho ng tatlong card. Halimbawa ay 7 na hearts, 7 na diamond o 7 na spades.
- Four of a Kind o apat na magkakaparehong baraha. Halimbawa ay 7 na hearts, 7 na diamond, 7 na spade, at 7 na clover.
- Straight Flush o Tatlong magkakasunod-sunod na baraha. Halimbawa ay 3-4-5 na hearts o K-Q-J-10 na diamond.
Paano Laruin ang Tongits Online?
Dahil sa pandemya, naging limitado ang paglalaro ng card game na ito sa kalsada. Dahil rin sa pag-usbong ng teknolohiya nauso ang mga Tongits app. Ang mga app na ito ay may mga larong maaaring pagkalibangan gamit ang mga cellphone. Ito ay tinatawag na online game. May ilang mga app na pwedeng laruin online o offline man.
How to Play Tongits for Beginners
How to Cash Out in Tongits Go to Gcash
Tongits Go Download: Guide to Install
Ang paglalaro nito online ay halos pareho din ng ginagawa sa aktwal na laro sa mesa. Bawat manlalaro ay mayroong 12 na cards at ang banker ay may 13 na cards. Ang matitirang mga baraha ay magsisilbing stack. Ang laro ay mag-uumpisa kapag ang banker ay nagtapon ng isang baraha mula sa kanyang hawak. Ang susunod sa kanya ay maaaring kunin ang kanyang itinapon upang siya ay makabuo ng isang set o kaya’y bumunot sa stack. Alinman ang kanyang piniling gawin, siya ay magtatapon ng isang baraha na pwede rin kunin ng susunod na manlalaro. Sa oras na kunin nya naman ang itinapon na baraha ng banker, obligado siyang ibaba ang nabuong meld at ang mga kalaban ay pwedeng magdagdag ng baraha rito. Halimbawa: ang ibinaba ng kalaban ay 1-2-3-4 na diamond at ikaw ay may hawak na 5 na diamond, pwede mo itong isapaw sa kanyang nakababang buo.
Mga Patakaran at Kaganapan sa Paglalaro
Ikaw ay mananalo sa larong ito kung magagamit mo ang lahat ng iyong mga card sa mga kumbinasyon, sa pamamagitan ng pagkonekta sa mga meld ng kalaban o ang nakalantad na mga hanay ng card (pagsapaw). Maaaring itapon ng isang tao ang kanyang mga baraha sa pamamagitan ng pagbubuo at paglalatag nito o paggawa ng “sapaw” sa isa sa mga inilatag na meld ng iba pang mga manlalaro. Ang isang meld ay binubuo ng hindi bababa sa tatlong card (three-of-a-kind o straight flush) at isang sapaw ang magiging ikaapat sa tatlong iyon, o ang pagpapatuloy ng straight flush na iyon.
Pwede ka ring manalo sa pamamagitan naman ng Draw. Kapag ang isang player na may hindi bababa sa isang exposed meld at may mababang puntos ay maaaring tumawag ng isang draw bago ang kanilang turn dahil walang ibang manlalaro na nakasapaw sa exposed meld ng player na iyon. Kung hindi, ang manlalaro ay kailangang maghintay para sa kanilang susunod na turn para tumawag ng draw.
Kapag ang isang manlalaro ay tumawag para sa isang draw, ang mga kalaban ay maaaring mag-Fold o hamunin ang draw ng kalaban. Tanging ang mga manlalaro na nakababa ang melds ang binibigyan ng pagkakataong ito. Ang isang manlalaro ay hindi maaaring tumawag para sa isang draw kung ang kaniyang (mga) nakalantad na hands o card ay nasapawan ng sinumang kalaban sa loob ng round. Ang mga manlalaro na walang card set na nakalantad ay awtomatikong fold. Kapag natawag na ang isang draw, ang mga puntos ay kinukuwenta at binibilang. Panalo ang taong may pinakamababang puntos. Kung magkakaroon ng tie, mananalo ang humamon. Kung sakaling magkaroon ng three-way tie, mananalo ang manlalaro sa kanan ng naghamon.
Ang panalo naman sa pamamagitan ng Deck pile runs out ay kung saan kapag naubusan ng mga baraha ang central stack, dito na magtatapos ang laro. Awtomatikong natatalo ang isang player na walang exposed melds. Ang manlalaro na may pinakamababang puntos ang siyang mananalo. Kung may tabla para sa pinakamababang puntos, ang manlalaro na kumuha ng huling card mula sa deck na may mababang puntos ang mananalo.
Ang isang manlalaro na hindi naglalantad ng anumang melds bago ang isang kalaban ay tumawag ng Tong-its o Draw ay itinuturing na talo o sunóg. Ang mga nasunog na manlalaro sa dulo ng laro ay awtomatikong natatalo.
Posible nga ba na Makapaglaro ng Tongits Offline?
Dahil sa galing ng teknolohiya ngayon, kahit ikaw ay offline, pwede kang makapaglaro ng game na ito. Napakarami ng mga app ang pwede nang laruin offline. Dito ay pwede kang maglaro kahit wala kang internet o data. Makakalaban mo rito ay mga computer lamang o ang AI system ng laro. Ang pangit lamang sa larong ito ay wala itong masyadong thrill at wala kang makakalarong totoong tao na pwedeng sumubok sa iyong galing at diskarte sa paglalaro.
Maglaro ng Tongits Online para sa mga Premyo
May mga manlalaro na nasisiyahan sa paglalaro ng app sa kanilang cellphone dahil sa mga iba’t-ibang papremyo. May mga premyo na in-game coins ang mapapanalunan. Mayroon namang mga diamonds ang ibinibigay at may ibang mga app na totoong pera ang iyong makukuha. Ang mga panalong premyo na ito ay pwede mong gamitin na pantaya sa susunod na laro kapag ikaw ay naubusan. May mga laro naman na kung saan ay bibigyan ka ng pagkakataon na makalikom ng mga stars at ito ay gamitin bilang coins na pamalit o pambili ng mga totoong gamit katulad ng appliances at cellphone.
Tips at Tricks sa Paglalaro ng Online
Akala ng lahat ang paglalaro ng Tongits ay madali lamang ngunit ito ay nangangailangan ng diskarte at matinding estratehiya. Kailangan mong bumuo ng maraming melds at may mga pagkakataon na hindi ka makakabuo sa iyong hawak na baraha.
Unang bagay na kailangan mo ayusin o isaisip kapag ikaw ay maglalaro ng app na ito online ay ang lakas at bilis ng iyong internet connection. Importante ito dahil hindi ka makakapaglaro o makaka-connect sa ibang manlalaro kapag mahina ang iyong internet. Hindi ka rin makakasapaw o makakababa kapag ang iyong internet ay mabagal. Ang AI o computer system ang siyang magdedesisyon kung ano ang itatapon na baraha kapag matagal kang magbaba o tumira.
Sa oras na alam mo nang ikaw ay mananalo at nabuo mo na ang iyong mga melds, ibaba kaagad ang iyong huling baraha at sumigaw ng Tongits bilang pagdeklara ng iyong pagkapanalo.
Sa oras na ikaw ay makabuo, ibaba ito kaagad upang maiwasan ang pagkatalo dahil sa sunog. Anumang oras ay pwedeng mag-draw ang iyong mga kalaban.
Upang maiwasan na makapag-draw ang iyong kalaban at upang maubos rin at mapababa ang iyong puntos, magsapaw ka ng mga baraha sa buo o melds ng kalaban.
Huwag kang magtitira ng mga matataas na bilang ng baraha katulad ng King, Queen at Jack. Ito ay magdadagdag sa iyo ng malaking puntos sa huli. Maliban na lamang kung ito ay buo na o parte ng iyong melds.
Top Game to Exchange Rewards
Maraming app na ngayon ang pwedeng mai-install sa iyong cellphone, tablet o computer. Nandyan ang Tongits Craze, Tongits Go at Tongits Zingplay. Ang unang app ay may Gcash Rewards. Ang pangalawang nabanggit ay kung saan may mga daily rewards na tinatawag na Go Stars. Ang mga ito ay pwede mong ipunin at ibili ng mga appliances o gadgets sa store ng app. At panghuli naman ay kung saan pwede kang manalo ng real cash o totoong pera.
https://play.google.com/store/apps/details?id=tongits.casi.online
https://tongitscasino.com/tongits-casino-online-laropay-release.apk
Paano Mag-redeem o Magpapalit ng Rewards?
Iba-iba ang paraan ng pag-redeem o pag-exchange ng rewards sa bawat app. Halimbawa na lamang sa Tongits Go. Dito, ay may daily reward kang matatanggap tulad ng coins na pwede mong gamitin sa pagtaya sa mga laro nila tulad ng pusoy dos at iba pang laro sa app. Kapag ikaw ay naubusan pwede mong gamitin ang diamonds mo upang bumili ng coins. May mga laro naman na via Gcash ang pag-redeem. Magla-log in ka lang o sign up sa laro at ibigay ang iyong Gcash number at kusa ng papasok ang iyong mga earnings sa iyong Gcash app. Ang Go stars naman ay pwedeng ipalit ng appliances o gadgets sa kanilang website o store ang iyong mga panalo.
Konklusyon
Ngayon na alam mo na kung paano maglaro ng game na ito, mapa-online o offline man, ay pwede ka ng sumabak sa mga tayaan at manalo ng malalaking papremyo. Ang Tongits Casino na siyang lumikha ng artikulong ito ay nagagalak na tulungan ang sinuman upang matutong maglaro ng Tongits.