Tongits Wars Card game – Play for Free

Ikaw ba ay naghahanap ng kakaibang klase ng adventure tulad ng Tongits Wars game kung saan pwede kang makipagtunggali? O kaya naman ay naghahanap ka ng isang klase ng laro kung saan mawawala ang iyong pagkabagot at mapapalitan ito ng aliw at saya? Narito ang Tongits Wars card game para sa iyo. Ang klase ng card game na para kang nasa isang giyera ngunit walang anumang bahid ng karahasan. Ang card game na ito ay ang pinagandang version ng Tongits Wars old version game. 

Basahin ang artikulong ito na ginawa ng Tongits Casino upang malaman mo ang buong detalye sa paglalaro at pagda-download ng games sa naturang app. 

tongits wars offline
I-download ang Tongits Wars offline game, nakadiskubre ka ng maraming features

Kilalanin ang Tongits Wars App

Katulad ng ibang laro ng Tongits sa app store, ang Tongits Wars ay batay sa orihinal na Tongits na pangunahing nakatuon sa mga manlalarong Pilipino. Pinananatili ng laro ang orihinal na mga panuntunan ng Tongits at istilo ng laro. Kung gusto mong maglaro ng Tongits, marami kang makikita sa app market. Subalit kung gusto mong i-download ang App ng offline game, makakadiskubre ka ng maraming features mula sa iba’t ibang games dito tulad ng Tongits, Lucky 9, Pusoy, Color Game, Pusoy Dos, at Slot machine. Dadami pa ito sa hinaharap kung ipagpapatuloy ng mga developer ang pagpapagandang lalo ng laro. Ang app na ito ay may multiplayer at maaari mo ring laruin ito nang hindi kinakailangang magrehistro o dumaan sa Tongits Wars register.

Related Posts:

Tongits Zingplay Card game – Play for Free

Tongits Star Card Game – Play for Free

Tongits Go Card game – Play for Free

Paano  i-download ang app? 

Buksan ang iyong device at tiyaking nakakonekta ang iyong device Wi-Fi o data. Tiyaking stable ito upang mai-download ang application nang walang problema. Kapag maayos na ang set up ng connection, buksan ang app market o app store at tiyaking naka-login ka gamit ang iyong email at password. Kung hindi, subukang magrehistro gamit ang iyong sariling email. Kapag nakapagrehistro o naka-login ka na, mahahanap mo na ngayon ang search bar. Dito ay i-type ang “Tongits Wars” at i-click ang alinman sa match o ang nangungunang resulta. I-click ang “Download” o “Install” button pagkatapos ay hintayin itong ma-download. 

Maaari mo ring i-click ang mga link na ibinigay sa ibaba para sa madaling pag-access.

I-download ang Tongits War para sa Android https://play.google.com/store/apps/details?id=lucky.win.tongits.play&hl=en&gl=US

Walang direktang link ang nasabing app sa iOS ngunit pwede mo itong i-download sa pamamagitan ng link na https://apptopia.com/ios/app/1068355665/about

tongits wars games
Ang buong detalye sa paglalaro at pagda-download ng Tongits Wars games

Gabay sa Pagsali ng mga Baguhan sa Tongits Wars

Lubos na inirerekomendang matutunan kung paano maglaro ng Tongits bago sumabak sa Tongits Wars o iba pang larong kasama sa platform. Tandaan na hindi pwedeng gumamit ng cheat dito. Kung hindi mo alam kung paano maglaro ng Tongits, inirerekomendang manood ka ng mga tutorial, maghanap ng babasahin, o laruin muna ito kasama ng iyong mga kaibigan. Ito ay upang subukan at matutunan ang mga kontrol, mekaniks, at panuntunan ng laro. Pag-aralan muna ang laro kasama ang mga panuntunan at istilo nito bago maglaro – ito ay mahalaga. Sa sandaling natutunan mo na kung paano maglaro ng Tongits o iba pang larong nasa app, ito ay maayos mo nang madidiskartehan at matututunan kaagad ang mga kontrol. Inirerekomenda ring mag-login ka gamit ang iyong Facebook account para sa perks sa ibang pagkakataon at makakatulong ito kung na-stuck ka sa page at nag-hang. 

Paraan ng Pag-deposit at Pag-withdraw ng Pera sa Tongits Wars 

Walang withdrawal system o cash out sa Tongits Wars. Ngunit meron itong in-app purchases na pwede kang bumili ng karagdagang gold coins para magpatuloy sa paglalaro. 

Buksan ang Card Game App. Pagdating sa lobby o landing page, i-click ang TW icon na nasa itaas na bahagi ng kaliwang screen at piliin ang ePin Reload. Ilagay ang ePin Code mula sa Load Central SMS confirmation at i-click ang Redeem Button. 

https://play.google.com/store/apps/details?id=tongits.casi.online
Download Togits Casino Online Apk

Mga Tampok ng Tongits Wars App

Ang mga feature ng larong Tongits Wars ay katulad ng iba pang mga laro sa Play Store na maraming laro ang nasa iisang app. Kasama rito ang iba’t ibang laro tulad ng Tongits, Lucky 9, Pusoy, Color games, Pusoy Dos, Slot machine at marami pang iba. Ipinagmamalaki rin ng laro ang tungkol sa User Interface (UI) nito at animation, bagama’t iyon ay depende sa standards o preference ng player. Ang laro ay may feature na multiplayer at maaari mo itong laruin nang hindi na kinakailangang magparehistro. Ang laro ay may isang leaderboard system at customer support na tutulong sa iyo 24/7 kung ikaw ay magkaroon ng anumang problema. Ipinagmamalaki ring libre ito at walang advertisements. Marami pang features na makikita at mararanasan dito kapag pumasok ka na sa laro. Maglaro na ng Tongits Wars at tingnan ang mga ito.

tongits wars old version
Ang Tongits Wars Card game na ito ay ang pinagandang version ng Tongits Wars old version game

Legal ba ang card game app na ito?

Ang laro ay ganap na legal at maaari mo itong laruin nang hindi kinakailangang mag-alala tungkol sa anumang bagay. Ang laro ay hindi lumalabag sa mga tuntunin ng serbisyo at patakaran ng app store at iginagalang din nito ang mga user at playerbase. Paalala lamang ng publisher ng laro na ito ay para lamang sa mga manlalarong nasa edad 21 pataas dahil ito ay nasa ilalim ng kategoryang gambling at gumagamit ng gambling simulation na hindi angkop para sa mga bata. Ang gambling simulation sense ng laro ay maaaring madulot ng kapahamakan sa mga batang manlalaro.

Pangkalahatang Pagsusuri sa Tongits Wars App

Kahit na ang laro ay talagang tipikal na may mga kopya at mga katulad sa Play Store, masisiyahan ka pa rin sa Tongits Wars. Maaari mo pa ring laruin ang tipikal na Pusoy, Tongits, at Lucky 9 at ikumpara ang karanasan kapag sa nasabing app ka naglalaro. Ang lahat ng card games ay unique at nananatili sa kani-kanilang mga panuntunan. Bagama’t ang laro ay hindi nakatanggap ng update sa loob ng matagal na panahon sinusuportahan pa rin naman nito ang mga manlalaro at patuloy pa rin ang pagpapatakbo rito ng mga server. Maaaring mayroong ilang mga bug at may pagka-crash ng server minsan, ngunit ang laro sa kabuuan ay masaya at nakakalibang. Personal mo itong suriin at baka ito ay magustuhan mo. Ang Tongits Wars ay may mga feature na tunay ngang mahusay at mayroon rin namang ilang mga hindi kagandahan. 

Mega Kaugnay na Post

Related